Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo
Ang aking pilosopiya sa pagtuturo
BAKIT AKO NAGTUTURO?
- Maibahagi sa mga kabataan ang mahalagang kaalaman, karanasan at kasaysayan na dapat nilang malaman at matutunan.
- Mahubog ang kakahayan ng mga mag-aaral para sa pagbuo ng magandang kinabukasan sa hinaharap.
- Makatulong sa mga kabataan na magkaroon ng positibong pananaw para harapin ang bukas ng may lakas ng loob at pag-asa.
- Pahalagahan ang wika higit lalo ang wikang Filipino bilang instrumento ng pakikipagkomunikasyon at daan sa maayos at mahusay na pagkakaunawaan.
- Higit sa lahat, ito ay tungkulin na ating sinumpaan, makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral na nangangarap.
ANO ANG AKING TINUTURO?
- Paano harapin ang reyalidad ng buhay na may tiwala sa sarili at sa kapwa.
- Pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagtanggap at pagpapahayag ng damdamin, saloobin at kaisipan.
- Pagiging mapanuri at mapagsiyasat sa bawat impormasyong nababasa o napapakingan.
- Pagiging mahusay sa pakikipagtalastasan at paghubog sa kanila ng 21st Century Skills
- Paghubog hindi lamang sa larangan ng akademiko bagkus pati na rin ang moralidad at pagkakaroon ng takot sa Poong Maykapal.
PAANO AKO MAGTURO?
- Pagsaalang-alang sa iba’t ibang learning style ng bawat mag-aaral para sa epektibong pagkatuto
- Paggamit ng makabagong teknolohiya, tulad ng mga online quiz, mga laro at panuodin na may kaugnayan sa aralin.
- Paglalapat ng kani-kanilang sariling karanasan sa bawat aralin na aming tinatalakay para sa maayos na daloy ng talakayan.
- Pagdadama sa bawat mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
- Pagiging bukas ang isipan sa bawat mag-aaral na hindi lamang ako isang guro kundi isang tropa, kaibigan o magulang na maaari nilang masandalan sa oras ng kanilang pangangailangan.
- Pagkakaroon ng maayos at matibay na pakikipag-ugnayan sa mga magulang at mag-aaral.
- Sa pagkakaroon ng produktibong likha ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga natutunan.
- Pagbibigay na pasulat o pasalita na pagsusulit upang matiyak ang kanilang ganap na pagkatuto.
- Pagkakaroon ng conducive learning environment para maramdaman ng mga mag-aaral masaya at masarap mag-aral.
- Paghingi at pagtanggap ng mga positibong at negatibong pidbak mula sa mga magulang, mag-aaral at kapwa guro.
Comments
Post a Comment