Posts

Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo

Image
  Ang aking pilosopiya sa pagtuturo  NI: DAN ARIES TEJADA PASCUA   BAKIT AKO NAGTUTURO? Maibahagi sa mga kabataan ang mahalagang kaalaman, karanasan at kasaysayan na dapat nilang malaman at matutunan. Mahubog ang kakahayan ng mga mag-aaral para sa pagbuo ng magandang kinabukasan sa hinaharap. Makatulong sa mga kabataan na magkaroon ng positibong pananaw para harapin ang bukas ng may lakas ng loob at pag-asa.   Pahalagahan ang wika higit lalo ang wikang Filipino bilang instrumento ng pakikipagkomunikasyon at daan sa maayos at mahusay na pagkakaunawaan. Higit sa lahat, ito ay tungkulin na ating sinumpaan, makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral na nangangarap. ANO ANG AKING TINUTURO? Paano harapin ang reyalidad ng buhay na may tiwala sa sarili at sa kapwa. Pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagtanggap at pagpapahayag ng damdamin, saloobin at kaisipan.   Pagiging mapanuri at mapagsiyasat sa bawat impormasyong nababasa o napapakingan. Pagiging mahusay sa pakikipa